^

Metro

Make-up artist ng celebrities, 3 pa nagkikisay sa condo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinugod sa pagamutan ang isang make-up artist ng mga celebrity at tatlo niyang kasamahan makaraang mag-collapse at magkikisay umano sa loob ng isang condominium unit sa Taguig City habang nag-iinuman nitong nakaraang Linggo ng tanghali.

Nakaratay sa MCT Hospital ang mga pasyenteng sina Herman Soriano, 31, make-up artist; Mark Anthony Casumpang, 29, call center agent; Albwin Chester Amolat, 23 at Ian Gabriel Baustista, 23.

Sa ulat ng Taguig City  Police, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali nitong nakaraang Linggo sa loob ng Unit 115 ng condo building sa Brgy. Ususan, Taguig City. Nakatanggap ang pulisya ng tawag ukol sa ilang lalaki na mula sa naturang condo unit na isinugod sa MCT Hospital.

Tinungo rin ng mga pulis ang condominium building kung saan sinabi ng ibang tenants na inireklamo rin nila ang bisita ng naturang unit dahil sa nililikhang ingay sa kanilang inuman.

“Based on the information relayed by the atten-ding physician, one person who requested not to disclose identity had informed her that allegedly the four patients had consumed an unknown substance after consuming bottles of liquor which was the cause of their seizures,” ayon sa ulat ng Taguig City Police.

Hiniling naman ng pulisya sa pamunuan ng condomi-nium building na isara muna ang unit habang patuloy ang kanilang imbestigasyon.

vuukle comment

MCT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with