^

Metro

Parolado balik-kalaboso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik kalaboso ang isang 23-anyos na parolado nang ipaaresto ito sa paglabag sa mga kondisyong itinakda ng Board of Pardon and Parole sa Pasay City, ka­makalawa ng umaga.

Sa ulat ng Pasay Police Station, isinilbi ng mga tauhan ng Sub-station 8 sa isinagawang ‘Oplan Galugad/Anti-Criminality ­Operations’ ang Authority to effect  Order of Arrest and Recommitment laban kay Samuel Badinas, residente ng Cut-Cut Bridge, Pildera 2, Brgy. 194, Pasay City.

 Alas-11:30 ng umaga noog Linggo nang ma­tsambahan si Badinas na pagala-gala sa NAIA Road, Pasay City.

Batay sa Order of Arrest at Recommitment na inisyu ni Reynaldo Bayang, ­Executive Secretary ng Board of Pardon and Parole (BPP), si Badinas ay lumabag sa mga kondisyon partikular sa Nos. 2 at 14 .

Ayon sa  BPP, hindi dapat na lumipat ng tirahan si Badinas hanggat hindi nakakakuha ng approval ng Regional Director, Parole and Probation Administration, at para sa mga nani­nirahan sa Metro Manila, cities provincial capitals, na magreport 2 beses sa isang buwan sa unang taong nabigyan ng parole, at isang beses na lang kada buwan sa mga susunod na taon, na nabigong gawin ni Badinas.

Nakapiit na ang suspek sa Sub-Station 8 habang hinihintay pa ang re-commitment order.

vuukle comment

PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with