^

Metro

Kelot huli sa pagbebenta ng party drugs, marijuana

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kelot huli sa pagbebenta ng party drugs, marijuana
Isinailalim na sa inquest proceedings sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Emanuel Mercado alyas Mengo, ng Brgy. Bangkal, Makati City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nalaglag sa kamay ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati Police ang isang 31-anyos na nagsusuplay ng party drugs at high grade marijuana o kush sa mga kliyente ng isang bar  sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Emanuel Mercado alyas Mengo, ng Brgy. Bangkal, Makati City.

Dakong alas-12:40 ng madaling araw ng Enero 30 nang arestuhin ang suspek sa loob ng Club 69 , na matatagpuan sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Nakabili ang isang operatiba na nagpanggap na buyer sa suspek ng halagang P1,700 ng marijuana.

Nabatid na nakakuha ng tip ang SDEU hinggil sa bentahan ng party drugs o ecstasy at marijuana sa mga parukyano ng bar.

Narekober mula sa suspek ang 31 pirasong zip lock kush na nagkakahalaga ng P48,000.00; 3 pirasong Ecstacy na nagkakahalaga ng P5,100.00; at ang buy-bust money.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with