^

Metro

Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Barangay Kamuning �di isasailalim sa lockdown � Mayor Joy
Mayor Joy Belmonte
Boy Santos

Kaugnay sa residenteng nag-positibo sa UK COVID-19 variant

MANILA, Philippines — Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Ka­muning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant.

Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala sa isolation facility.

“Una sa lahat, Kamuning in fact has the lowest numbers of COVID-positive patients at the moment. Since hindi naman lumapag sa barangay, hindi naman siya umuwi at ‘di pa luma­labas ‘yung resulta ng BHERT (barangay health emergency response teams) na positive sila, although quarantined na sila nga-yon, wala pa tayong sapat na batayan na i-lockdown ‘yung Barangay Kamuning. Hindi na po siya bumaba sa Barangay Kamuning. Siya po ay diniretso sa isolation facility,” pahayag pa ni Belmonte .

Kasabay nito binalaan din Mayor Belmonte na mananagot sa ilalim ng anti-discrimination ordinance ang sinumang mapapatunayang nangutya o nagkait ng pantay na karapatan sa isang indi­biduwal dahil lamang sa dito nakatira ang lalaking natukoy na nagtataglay ng bagong variant ng COVID-19.

Wala rin anyang dapat ipangamba ang publiko dahil nasa isang maayos na health facility na ang lalaki kasama ng mga taong natukoy na nakasa-lamuha nito.

Niliwanag naman ni Mayor Belmonte na is- tri­k­­­tong ipinatutupad ang protocol sa QC kaugnay ng kampanya laban sa pandemic.

Nana­nawagan din si Mayor Belmonte kay DILG Secre­tary Eduardo Año na pabalikin sa serbisyo  ang mga contact tracers na naipagkaloob nito sa QC noong nagdaang taon.

Magugunitang kamakalawa ay inamin ng DOH na isang lalaki buhat sa Dubai ang dumating sa bansa noong Enero 7 ang nagtataglay ng UK COVID variant.

vuukle comment

UK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with