^

Metro

Pacquiao ‘di binawi ang P500k reward vs suspects sa Dacera case

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao �di binawi ang P500k reward vs suspects sa Dacera case
Sa ipinadalang pahayag ni Pacquiao, sinabi nito na ang ibibigay niyang pabuya ay upang masiguro na lahat ng kasama ni Dacera noong madiskubre ang katawan nito ay magbibigay-linaw sa insidente.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pa­kiu-sap ng mga akusado, hindi iniatras ni Senador Manny Pacquiao ang pa­buyang P500,000 para matunton ang iba pang mga sangkot sa pagkamatay sa kanyang kababayan na si Christine Dacera.

Sa ipinadalang pahayag ni Pacquiao, sinabi nito na ang ibibigay niyang pabuya ay upang masiguro na lahat ng kasama ni Dacera  noong madiskubre ang katawan nito ay magbibigay-linaw sa insidente.

Iginiit pa ng Senador na dapat umanong isumite ng mga akusado ang kanilang mga sarili sa mga awtoridad para malaman ang tunay na nangyari.

Nilinaw naman ni  Pacquiao na ibibigay ang nasabing halaga bilang tulong pinansyal sa pamil­ya ni Dacera kapag lahat ng mga “person of inte-rest” ay boluntaryong sumuko  at hindi naaresto.

Hamon naman niya sa mga kaibigan ni Dacera na kung tunay silang kaibigan at may malasakit sa pamilya nito ay dapat silang lumantad at sabi-hin ang totoong nangyari.

Handa naman umano ang Senador  na tumulong sa mga akusado para matiyak ang kaligtasan nila  kaya pakiusap niya sa mga ito na kusang iharap ang sarili sa PNP para maresolba ang kaso ng pagkamatay ng kanyang kababayan na si Dacera.

Ang pahayag ni Pac­quiao ay bunsod sa pa­ki­usap ng abogado ng ilang respondents sa Dacera case na iurong ang pabu-ya dahil handa naman ang mga akusado na makipag tulungan para maresolba ang kaso.

Samantala, ‘di tulad ni Pacquiao binawi na kahapon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang inialok nitong reward laban sa mga suspects na isinasangkot sa pagkamatay ng flight attendant na si Dacera.

Magugunitang P100,000 ang inalok na reward ni Yap para sa ikaaaresto ng mga suspect bagama’t wala pang inilalabas na warrant of arrest sa mga ito. 

“There is no need to recall per se the bounty placed on the persons of interest in Dacera’s death as it is now considered as moot and now “off the table” after the suspects  have presented themselves to authorities,” ani Yap. Ginawa nina Pacquiao at Yap ang pahayag sa gitna naman ng panawagan ng ilang mga suspects na bawiin na ang reward sa kanilang mga ulo dahilan sa handa naman silang sumaila­lim sa imbestigasyon matapos na iprisinta ang kanilang mga sarili sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Atty. Mike Santiago, isa sa mga abogado ng mga suspect ang nasabing reward ay nakakaapekto sa seguridad ng mga respondents. — Joy Cantos   

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with