^

Metro

2 karnaper todas sa engkuwentro sa Novaliches

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaghihinalaang mga karnaper ang patay matapos na makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na naka-engkuwentro ng mga pulis dakong alas-3 ng madaling araw sa Austria Street sa Barangay San Agustin.

Batay sa initial report ni  P/Lt. Man Erick Felipe, hepe ng PCP 2 commander ng Novaliches, may natanggap silang report mula sa isang sibilyan na ninakawan ng  motorsiklo. Humingi ng tulong ang biktima na isang alyas Richard kaya nagsagawa ng dragnet operation ang mga pulis. Nang makita ang ninakaw na motorskilo, sinita ng mga pulis ang mga suspek subalit hindi huminto kaya napilitan ang mga pulis na habulin hanggang sa umabot sa bakanteng lote sa Austria St.

Sa halip na sumuko ay agad na nagpaputok ang isa sa mga suspek kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok na ikinasawi ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang baril at ilang  sachet ng shabu.

vuukle comment

PCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with