^

Metro

Mayor Vico humingi ng paumanhin sa naantalang cash gift sa seniors

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico humingi ng paumanhin sa naantalang cash gift sa seniors
Ipinaliwanag ni Mayor Vico Sotto sa mga Pasig scholar na tatlong buwang halaga lamang ng financial assistance ang kanilang nailabas ngayong taong ito dahil sa budget technicalities.
The STAR/ Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto na maire-release na nila ang cash aid para sa mga scholars ng lungsod sa Enero ng susunod na taon, kasunod ito nang paghingi niya ng paumahin at pang-unawa naman sa mga senior citizen dahil sa pagkaantala ng cash gift na dapat sana ay ire-release para sa kanila.

Ipinaliwanag ni Sotto sa mga Pasig scholar na tatlong buwang halaga lamang ng financial assistance ang kanilang nailabas ngayong taong ito dahil sa budget technicalities.

Aniya, sinubukan ng lokal na pamahalaan na ilabas ang budget ng hanggang limang buwan ngunit hindi ito kinaya.

“Three months muna na disburse. Sinubukan natin na 5 months kaso may teknikalidad sa budget,” anang alkalde. “Di natin magawan ng paraan para i-release ang Jan-Feb 2021 allowance habang fiscal year 2020 pa lang.. will release as soon as possible this Jan­uary. Ilang araw na lang naman.”

Ayon kay Sotto, ipapadala nila ang cash aid sa pamamagitan ng virtual wallet app na PayMaya para maiwasan ang mahabang pila ngayong nananatili pa rin ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinaalalahanan pa niya ang mga iskolar na kaagad na impormahan ang Pasig City Scholarship office sakaling nagpalit sila ng phone numbers.

Samantala, humingi naman ng paumanhin at pang-unawa si Sotto sa mga senior citizens na hindi pa nakakatanggap ng kanilang P3,000 cash gift mula sa city government dahil sa pandemya.

Sa kanyang Facebook Live nitong araw ng Pasko, sinabi ni Sotto na nasa 40 porsiyento pa ng mga senior citizen ang hindi nakakatanggap ng cash gift.

Ipinaliwanag niya na ginawa nila ang lahat upang maipagkaloob sa mga senior citizen ang kanilang cash gift ngunit na-delay pa rin ito dahil iilan lamang ang miyembro ng Land Bank of the Philippines (LBP) na namahagi ng tulong pinansiyal.

“Ako po ay humihingi ng inyong pang-unawa at pasensya dahil 40 percent ng senior citizens na hindi pa po natanggap ang kanilang cash gift so I am very sorry, we did our best. Siguro nakita naman natin, talagang sinubukan natin although because of pandemic maraming nadelay. Hindi lang sa end ng LGU,” paliwanag pa ng alkalde.

Paniniguro naman ni Sotto na matatanggap pa rin ng mga naturang senior citizen ang kanilang P3,000 cash gift kahit pa bilyun-bilyon ang gastos ng lokal na pamahalaan dahil sa pandemya.

“Anyway, maaasahan pa rin natin iyong 3,000 pesos na iyon -Iyong cash gift na iyon. Kahit na maraming gastos sa COVID bilyon bilyon ang ginastos natin para maging maayos po,” pagtiyak pa ni Sotto.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with