^

Metro

Business permit ng NLEX sa Valenzuela, ibinalik na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Business permit ng NLEX sa Valenzuela, ibinalik na
Sa ikalawang pulong na napagkasunduan, itataas ang lahat ng barriers sa lahat ng RFID lanes sa toll plazas na sakop ng Valenzuela City mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi.
STAR/Michael Varcas, file

 ‘Toll holiday’ tapos na!

MANILA, Philippines — Inalis na ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang suspensiyon sa business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation hinggil sa isyu ng Radio Frequency Identification (RFID), matapos na magkasundo na ‘barriers up’ sa ginanap na pulong kahapon ng umaga.

Nangangahulugan din itong tapos na ang toll holiday sa mga toll plaza na sakop ng Valenzuela.

Sa ikalawang pulong na napagkasunduan, itataas ang lahat ng barriers sa lahat ng RFID lanes sa  toll plazas na sakop ng Valenzuela City mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi.

Ibaba naman ang lahat ng barriers sa RFID lanes mula alas-10:01 ng gabi hanggang alas-4:59 ng umaga para sa safety reasons.

Ibabalik din ang ilang mga cash lanes sa ilang  toll plaza.

Kinakailangan din na ang RFID system at mga reklamo ng mo­torista ay maaayos na hanggang Enero 30, 2021.

Bubuo rin ang mag-kabilang panig ng technical working group na kinabibilangan ng CGOV at NLEX key per­­sonnel, na regular na magpupulong upang unti unting maisaayos  ang sistema sa traffic.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with