^

Metro

Pasahero ng MRT-3 mas dumami sa ipinatupad na 60kph speed ng tren

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit nang dumami ang naseserbisyuhang pasahero ng MRT-3 dahil sa mas maraming bilang ng tren na ang umaarangkada at mula nang pabilisin sa 60kph ang takbo nito.

Sa tala ng MRT-3 ma­nagement, pumalo sa 134,334 ang kabu­uang pasahero na sumakay  sa tren kaha­pon mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Ayon sa kompanya, ito na ang pinakamara-ming pasahero na naisakay ng MRT-3 simula ng magbalik operasyon ito noong Hunyo 1, 2020.

Bukod sa pinabilis na speed ng takbo ng tren ng MRT-3 ay nagamit na rin ang mga Dahlia train na nakumpuni ng Somitomo-Mitsubishi Corporation na siyang kinontrata para sa maintenance ng naturang tren.

Una nang nasuspinde ang biyahe ng mga tren noong Marso dahil sa pandemic at istriktong community quarantine restrictions na ipinatupad ng pamahalaan.

Sa pagbubukas ng   operasyon ng tren ay patuloy naman ang pagpapairal ng minimum health protocols para mapangalagaan ang kalusugan ng mga pasahero at makaiwas na mainfect ng Covid-19 virus.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with