^

Metro

Kagawad, utol, 2 bading huli sa panghoholdap sa Chinese

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, utol, 2 bading huli sa panghoholdap sa Chinese
Kinilala ang mga suspek na sina Allan Romero, kagawad sa Brgy. 34, Pasay City; ang utol nityong si John Michael, 23; Ralp Jenric Manahan, 20 at John April, 26.
Boy/ Santos/ File

MANILA, Philippines — Isang barangay kagawad, ang kapatid nito at dalawang bading ang dinakip ng pulisya nang maaktuhan sa ginawang panghoholdap sa isang Chinese national sa loob isang  hotel sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Romero, kagawad sa Brgy. 34, Pasay City; ang utol nityong si John Michael, 23; Ralp Jenric Manahan, 20 at John April, 26.

Ayon kay P/Major Wilfredo Sangel, ng Pasay City Police Station 1, dakong alas- 11:50 ng gabi ng Martes (Nobyembre 24) nang maganap ang insidente sa loob isang hotel sa Roxas Boulevard service road, Brgy. 13, Pasay City.

Sa reklamo ng biktimang si Hung Pin Lo, Chinese national, 29, kasama niyang nag-check in sa hotel  ang isa sa suspek na inakala niyang babae at huli na nang matuklasan niyang isa itong bading.

Nagtungo muna umano sa comfort room ang biktima para mag-shower at  paglabas niya ay nabungaran niya na may isa pangbading  at isang lalaki na nasa loob ng inokupahang silid kung saan agad siyang tinutukan ng baril at hiningi ang kaniyang wallet, dalawang cellphone na kinabibilangan ng Iphone 11.

Agad humingi ng assistance ang biktima sa guwardiya upang habulin ang mga suspek subalit hindi na inabot na nagkataong dumaraan naman sa tapat ang mobile patrol ang mga tauhan ng Pasay Police na agad bumaba upang alamin ang nakitang komosyon.

Sa loob ng lobby ay naaktuhan pa ang kaguluhan at nakorner naman ang mga suspek kaya nabawi ang 2 Oppo A5S cellphones at isang Iphone 11; cash na P5,000.

Nasamsam sa mga nadakip ang isang Colt 45 M1911A1 na may 8 bala; isang caliber 22 pen gun; at Mio motorcycle, na walang plaka na ginamit ni Kagawad Romero, na nagsilbi umanong look-out sa holdapan.

vuukle comment

KAGAWAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with