^

Metro

DILG: Bago tumama ang bagyo, mga dam buksan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG: Bago tumama ang bagyo, mga dam buksan na
“I think we will propose na in times of calamities and ­typhoon, dapat me­rong nagkokontrol diyan. Sino, kailan, bubuksan ang dam,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Bago pa tumama ang bagyo ay dapat nang buksan ang mga dam upang hindi na maka­dagdag pa sa mga nararanasang mga pagbaha.

“I think we will propose na in times of calamities and ­typhoon, dapat me­rong nagkokontrol diyan. Sino, kailan, bubuksan ang dam,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Matatandaang sa Cagayan, kasabay nang malawakang pagbaha dahil sa bagyong ­Uly­s­ses, ay anim na gate ng Magat dam ang binuksan na nakadagdag sa mga pagbaha.

“Dapat before the bagyo pwede na tayong magbukas lalo na kung meron tayong forecast kung gaano kalaki ‘yung ulan na darating,” ayon pa kay Año.

Aniya pa, dapat na mabigyan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng awtoridad na kontrolin ang pagbubukas ng mga dam, partikular na kung may bagyo.

“I will propose na pag-usapan namin sa NDRRMC na sa times ng calamity o typhoon, ang NDRRMC ang magbibigay ng approval kung kailan pwede magbukas, ilang gate, para controlled natin,” aniya pa.

“Yan ang sinasabi ng ating mga LGUs, katulad sa Region IV, III at NCR na nakadagdag talaga ng pagbaha ang pagbubukas ng dam,” aniya pa.

vuukle comment

DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with