^

Metro

Motor vs van: Rider patay, 2 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motor vs van: Rider patay, 2 sugatan
Ang biktimang si Fer­dinand Etrata, 26-an-yos ng Bauang, La Union ay idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center sa Quezon City sanhi ng ma-tinding sugat na tinamo sa ulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang rider ang nasa­wi habang malubha namang nasugatan ang dalawang angkas nito makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Isuzu Aluminum van sa lungsod ng Caloocan nitong Biyernes.

Ang biktimang si Fer­dinand Etrata, 26-an-yos ng Bauang, La Union ay idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center sa Quezon City sanhi ng ma-tinding sugat na tinamo sa ulo.

Ang mga nasuga­tang backriders ay kinilala namang sina Kennie Ray Mendoza, 26, ng #1436 Gana Compound, Unang Sigaw Balinta­wak, Quezon City at Jeeamar Lopez, 35, ng BF Martinville, Las Piñas City.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide at 2-counts ng physical injury and damage to property ang kakaharapin ng driver ng van na si Orlando Rirao, 45, ng Bagac, Bataan.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Fernan Romero, alas-12 ng ha-ting gabi, habang patawid sa may EDSA patungong corner A. De Jesus St. ang van (PYQ-739) na minamaneho ni Rirao nang salpukin sa kanan at hulihang bahagi nito ng motorsiklong minamaneho ni Etrata na buma­bagtas sa kahabaan ng EDSA patungong Balin-tawak, Quezon City.

Sa lakas ng pagka-kabangga, tumilapon ang mga biktima sanhi upang tumama ang ulo ni Etrata sa sementadong kalsada na kanyang ikinasawi.

vuukle comment

MOTORSIKLO

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with