^

Metro

LRVs ng MRT-3, bumibiyahe na rin!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga train commuters dahil nagsimula na ring tumakbo kahapon sa mainline ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang general overhauled Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon ng MRT-3, na binubuo ng isang train set na may tatlong bagon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay dagdag sa 22 train sets, kabilang ang 19 CKD train sets at 3 Dalian train sets, na operational at tumatakbo sa linya ng MRT-3.

Nabatid na ang mga naturang bagong overhaul na mga bagon ay isinailalim sa simulation run ng pamunuan ng MRT-3 at sinubukang patakbuhin sa bilis na 50kph noong Oktubre 29, 2020.

Layunin nitong siguruhing ligtas na gamitin ang mga bagon bago tuluyang idagdag sa mga operational train sets na tumatakbo sa linya.

Nauna rito, itinaas ang ope­rating speed ng mga tren sa 50kph noong Nobyembre 2, 2020, mula sa dating 40kph lamang noong Oktubre 2020.

Ayon sa MRT-3, dahil sa mas mabilis na takbo ng tren, nabawasan na ang average passenger waiting time para sa pagdating sa istasyon ng mga tren sa apat na minuto na lamang, mula sa dating 6.5 hanggang anim na minuto sa bilis na 40kph.

vuukle comment

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with