Maynilad hindi magtataas ng singil sa 2021
MANILA, Philippines — Hindi muna ipatutupad ng Maynilad Water Services ang kanilang rate increase na nakatakda sanang ipairal sa susunod na taon dulot na rin sa patuloy na epekto ng pandemic sa kabuhayan ng milyong kostumer.
Una nang naaprubahan ng MWSS Regional Office ang rebasing adjustment ng maynilad para sa 2021 na may taas na P1.95 per cubic meters sa basic charge, na ikatlong tranche ng staggered implementation para sa 2018-2022 rebasing period. Ang second tranche ay hindi rin naipatupad ngayong taon.
Noong Oktubre nagpatupad naman ng bawas singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
“ With this deferral, Maynilad hopes to alleviate the day-to-day struggles of its customers as they and the whole country strive to recover from adversity and rise stronger than before, ready to start anew” ayon sa Maynilad.
Ang Maynilad ay nagseserbisyo sa West Zone ng Metro Manila concession area na pumapaloob sa Maynila, ilang lugar sa QC, Makati City, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon gayundin sa ilang lugar sa Bacoor, Imus at bayan ng Kawit, Noveleta at Rosario sa Cavite.
- Latest