^

Metro

‘Oplan Bura Tatak’ inilunsad sa BuCor

Ralph Edwin Villanueva - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Inilunsad kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ‘Oplan Bura Tatak’ na naglalayong buwagin ang gang membership sa nasabing piitan.

Layunin nito na mapanatili ang kaayusan at katahimikan at maiwasan ang gang wars sa kulungan.

Ang nasabing programa ay isinagawa matapos ang naganap na madugong riot sa pagitan ng grupo ng ‘Sputnik at Commando’  kung saan nasa siyam na bilanggo ang nasawi at ilan pa ang nasugatan, dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa pagsisimula kahapon, nasa 12 bilanggo na ang nagpatanggal ng kanilang tattoo, ayon kay BuCor chief Director General Geralkd Bantag.

“ Layunin ng programang ito na maiwasan ang labanan sa pagitan ng mga gang’, dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Bantag na para masiguro na ang mga tattoo ay hindi papalitan, nakasalalay dito ang good conduct allowance ng mga preso.

“ Nasa patakaran namin na kapag ang mga tattoo o marka ay muling ibinalik, maaapektuhan ang kanilang GCTA’, paliwanag pa ng BuCor chief.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with