^

Metro

Regular users ng expressways, paunahin sa RFID stickers-TRB

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Umapela ang isang opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB) sa mga motorista na madalang o paminsan-minsan lamang na gumamit ng toll roads, na pagbigyan na muna at paunahing makapagpainstala ng RFID stickers, ang mga motoristang regular na gumamit ng expressways.

Ito, ayon kay TRB spokesperson Julius Corpus, ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng buildup ng mga sasakyan sa mga toll plazas.

Ang panawagan ay ginawa ni Corpus matapos na ilang motorista sa Taguig City ang pumila ng hanggang 10-oras nitong Sabado upang makapagpalagay ng RFID stickers sa kanilang mga sasakyan.

Aniya, tuluy-tuloy pa rin naman ang instalasyon ng mga RFID stickers kahit pa magsimula na ang pag-iral ng 100% na cashless payment scheme sa mga expressways sa Nobyembre 2.

Kahit pa aniya lumampas ang Nobyembre 2 ay mananatili pa ring available ang mga installation centers sa mga entry plazas.

Samantala, sinabi na rin naman ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at ng San Miguel Corp. (SMC) na maglalaan sila ng mas mahabang panahon sa paglalagay ng mga RFIDs.

Ang mga dumaraan sa mga tollways na pinamamahalaan ng SMC, kabilang ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR), SLEX, Skyway System, NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), ay mayroong hanggang Nobyembre 30 upang magpakabit ng RFID stickers.

Gayunman, paglampas ng naturang petsa, ang mga sasakyang walang RFID stickers ay hindi na papayagang makadaan sa mga naturang expressways.

Samantala, sinabi naman ng MPTC na ang mga motoristang wala pa ring RFIDs hanggang sa Nobyembre 2 ay papayagan pa ring dumaan sa NLEx, SCTEx, CAVITEx, C5 Link, at CALAx, ngunit padadaanin sila sa RFID installation lanes, upang makapagpakabit na ng kanilang stickers.

Tiniyak ng MPTC na libre ang pagpapakabit ng RFID stickers at tanging load lamang ang babayaran ng mga motorista. 

vuukle comment

TRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with