^

Metro

Ex-DOH secretary, manugang kinasuhan ng Medical City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagharap ng kasong qua-lified theft at estafa sa Pasig Prosecutor’s Office ang Medical City laban kina da-ting Health Secretary Alfredo Bengzon na dating CEO ng nasabing ospital at manugang na si Margaret Bengzon.

Sa reklamo na inihain ni Joseph Carballo, head ng internal audit ng Professional Services Inc. (PSI), na tumatayong operator ng The Medical City (TMC) laban sa mga Bengzon ay nag-ugat sa pagkakadiskubre ng mga tseke  ng Medical City na pirmado nina  Dr. Bengzon at Margaret.

Nabatid na ang tseke na  P2 milyon ay payable kay Dr. Bengzon habang ang P1.8 mil­yon ay payable sa law firm na Romulo Mabanta Buenaventura Sayoc & De Los Angeles.

Lumilitaw na ang nasabing law firm ay kumakata­wan lamang  kay Dr. Bengzon at hindi na kinuha ng Medical City ang serbisyo nito. Ang Romulo Mabanta ang  counsel ni Dr. Bengzon sa kasong isinampa nito laban sa Medical City.

Isinalin ni Dr. Augusto P. Sarmiento, Chairman Eme-ritus kay Dr. Bengzon ang pamamahala ng TMC mula 1996-2018.

Dito naman umano kinuha ni Dr. Bengzon ang pagkakataon na ipuwesto ang kanyang pamilya at i-award ang ilang kontrata na para sa TMC ay naging family business ni Dr. Bengzon bagama’t 0.1% lamang ang kanilang shares.

Napag-alaman na ang  Guam hospital naman ay pinamumunuan ng manugang ni  Dr. Bengzon na mistulang  ‘single proprietorship’.

Hindi matatawaran ang TMC sa Philippine healthcare industry na itinatag noong 1967 dahil nagmamay-ari ito ng anim na ospital at 50 clinic  na may revenue na aabot sa P17 bilyon at may 8,000 healthcare workers. Hulyo 2015 naman nang pasina-yaan ang TMC sa Guam.

vuukle comment

CEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with