2 unit ng hemodialysis ibinigay sa Muntinlupa
MANILA, Philippines — Itinurn-over kahapon ng mga opisyal ng Rotary Club of Taoyuan North District 3502-Taiwan at Rotary Club Muntinlupa North District 3830 sa Ospital ng Muntinlupa ang donasyon na dalawang unit ng hemodialysis para makatulong sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan ng lungsod.
Ang turn-over ay isinagawa nina Rotary Club of Muntinlupa North Immediate Past President (IPP) Avelet Bautista at Perfect Vision President (PVP) Catherine S. Lopez at presensiya nina Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi at direktor ng Ospital ng Muntinlupa na si Dr. Edwin Dimatatac.
Nagpasalamat si Fresnedi sa napapanahong donasyon ng Rotary dahil nadagdagan nito ang mga serbisyong pangkalusugan ng lungsod sa gitna ng pandemya.
Sumali rin sa seremonya ay sina Rotary Club of Muntinlupa North PVP Chito Ruiz, KC Costiniano, Ms. Rose Morada at PE Meo Quintana.
- Latest