^

Metro

‘Single type stored-value card’, target ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Single type stored-value card�, target ng DOTr
Balik sa dating paraan nang paniningil ng pamasahe ang mga carousel bus sa EDSA matapos na suspendihin ng DOTr ang paggamit ng beep cards.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na bago matapos ang taong 2020 ay target nilang makapaglatag ng isang single type stored-value card na maaaring gamitin ng mga pasahero sa iba’t ibang uri ng transportasyon sa bansa.

Ayon kay Tugade, ang mga tren ay may beep card na at inuumpisahan na rin nila ang pag-test sa electronic ticketing sa mga sea ports.

Ngayon ay tinututukan na nila ang road transportation at lahat ng ito ay plano aniya nilang pagtugma-tugmain at gawing inter-operable.

“Lahat po ‘yan pagtutugmain natin at gagawin na­ting inter-operable,” anang kalihim.

Nilinaw naman ni Tugade na matagal na nila itong plano bago pa man magsimula ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kung siya nga aniya ang masusunod ay nais niyang maisakatuparan ito bago matapos ang taong 2020.

“Kung ako ang masusunod, end of the year,” aniya pa. “Marami po ang magsasabi na mahirap, baka meron pong magsabi na imposible, pero ganyan po ako mag-set ng timetable eh, talagang itinutulak ko sa maximum.”

Ang naturang plano ay inihayag ni Tugade kasunod ng isyu sa mahal na singil sa beep card para sa EDSA Busway.

Nauna rito, noong Oktubre 1 ay ipinag-utos ng DOTr ang mandatory use ng beep card sa mga sasakyan ng bus sa EDSA para mabawasan ang close contact sa pagitan ng mga konduktor ng bus at ng mga pasahero at maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19.

Gayunman, mara­ming pasahero, na hindi pa nakakaba­ngon sa epekto ng pandemya, ang umangal dahil kailangan nilang bayaran ang gagamiting beep card ng P80, bukod pa sa kanilang pasahe.

Nakiusap naman ang DOTr sa AF Payments, Inc., na siyang service provider automatic fare collection system (AFCS), na i-waive na lamang ang P80 halaga ng kanilang beep cards, bilang tulong na lamang sa mga commuters habang may pandemya pa, ngunit tumanggi ang naturang kumpanya.

Dahil dito, napilitan ang DOTr na suspendihin na lamang ang mandatory use ng mga beep cards simula nitong Lunes, Oktubre 5, at pinayagang muli ang mga commuters na magbayad ng cash.

Nabatid na ang beep cards sa mga bus stations ay nagkakahalaga ng P180, kung saan ang P80 nito ay para sa halaga ng card at ang P100 ay para naman sa load.

vuukle comment

CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with