^

Metro

Ulo ng dinukot na Navy reservist, inilagay sa ice box

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ulo ng dinukot na Navy reservist, inilagay sa ice box
Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station, nadiskubre ang ulo sa may kanto ng Florentino Torres at Soler Street sa Sta. Cruz dakong alas-12 ng hatinggabi. Isang tricycle driver na si Jerwin Mirabueno at kasamahan na si Jun San Diego ang na­katuklas sa ulo nang mapansin nila ang abandonadong ice box sa gitna ng kalsada.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadiskubre sa loob ng isang ice box ang pugot na ulo ng isang reservist ng Philippine Navy na inabandona  sa isang kalsada sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa pamamagitan ng kanyang pinsan, nakilala ang biktima na si Oliver Ignacio, residente ng Brgy. San Roque sa Navotas City.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station, nadiskubre ang ulo sa may kanto ng Florentino Torres at Soler Street sa Sta. Cruz dakong alas-12 ng hatinggabi.  Isang tricycle driver na si Jerwin Mirabueno at kasamahan na si Jun San Diego ang na­katuklas sa ulo nang mapansin nila ang abandonadong ice box sa gitna ng kalsada.  

Patungo na sana sa Gandara Police Community Precinct ang dalawang saksi nang makasalubong ang isang police patrol car na pinara nila at iniu-lat ang nadiskubre.

Nabatid na ang naturang lugar ay doon  din napatay si Police Executive Master Sergeant Rodel Candido ng isang grupo ng mga holdaper. Ina­a­lam ng pulisya kung may kaugnayan ang pugot na ulo sa natu-rang kaso.

Ayon sa pinsan ng biktima, alas-4:45 ng Huwebes ng hapon nang dukutin ito ng tatlong lalaki sakay ng isang itim na Montero sa impounding area sa kahabaan ng C4 sa Navotas at mula noon ay hindi na nakita pa hanggang sa ulo na ang makita.

Patuloy ang pagsa­sagawa ng imbestigasyon ng pulisya kabilang ang pagsusuri sa mga CCTV cameras sa bisinidad upang matukoy kung sino ang naglagay ng naturang ice box sa kalsada.

 

vuukle comment

NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with