^

Metro

Suplay ng tubig sa Metro Manila, ‘di direktang maaapektuhan -- Maynilad, Manila Water

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Kahit binawasan ang alokasyon mula Angat Dam

MANILA, Philippines — Walang direktahang epekto sa isinusuplay na tubig ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water sa Metro Manila sa  pagbawas sa  water allocation  mula sa  Angat Dam.

Ito ang paliwanag ng Manila Water at Maynilad sa pagbabawas ng National Water Resources Board (NWRB) ng alokasyon ng tubig sa Metro Manila ng may  44 cubic meters per second (cms)  mula sa dating 46 cms  dulot ng pagbaba ng water level ng Angat Dam sa 177.94 meters mula sa minimum operating level  na 180 meters.

“Bagama’t may napa­balita na nagbawas, na-ging 44 cms na lang ‘yung ibibigay na supply sa atin wala naman itong magiging direktang epek­to sa supply sa Metro Manila,” pahayag ni Zmel Grabillo, spokesman ng Maynilad.

Ani Grabillo karaniwang binabawasan ang alokasyong tubig para sa Metro Manila mula Angat dam pagganitong buwan.

“Karaniwan po na kapag sumasapit ang Oktubre ay talaga pong binabawasan ang alokasyon para sa Metro Manila. Ang nangyayari kasi meron tayong local rains kapag October at napupuno nito ang Ipo Dam na siya rin pong direktang nagbibigay o nagsu-supply ng tubig papunta dito sa Metro Manila,”dagdag ni Grabillo.

Nilinaw naman ni Ma­nila Water Corporate Communications head Jeric Sevilla na stable ang suplay ng tubig sa MM sa kabila ng water allocation reduction.

“Generally ang supply maayos naman sa kasalukuyan. Nanatili naman na 24 by 7 ang supply ng konsesiyonar­yo liban na lamang kung may emergency repairs na ginagawa o maintenance activites. Tayo naman ay nagbibigay ng paunang notice para makapaghanda sila,” pahayag ni Sevilla.

Ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila ay ang tubig mula sa  Angat, Ipo, at La Mesa dam.

Ayon sa MWSS, ang tubig mula sa natu-rang mga dam ay pinoproseso sa La Mesa at Balara Treatment Plants na nagi­ging malinis na inuming tubig ng mga taga-Metro Manila.

 

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with