^

Metro

COVID-19 cases sa QC, 4 na linggo nang bumababa sa araw-araw — UP experts

Philstar.com
COVID-19 cases sa QC, 4 na linggo nang bumababa sa araw-araw � UP experts
Namimigay ng libreng face shield ang ilang miyembro ng Department of Public Order and Safety sa Sikatunam, Krus na Ligas at ilan pang lugar sa Quezon City kontra COVID-19, ika-25 ng Agosto
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa ika-4 na sunod na linggo, napag-alaman ng ilang dalubhasa na napanatili ng Quezon City ang arawang trend ng pagbaba sa panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang lumalabas sa ulat na inilabas ng UP OCTA Research, bagay na kanilang ibinase sa mga datos ng Department of Health (DOH).

Makikita ang mga pagbaba kung sisilipin ang average new cases sa nakaraang apat na linggo:

  • ika-8 hanggang ika-14 ng Agosto (438)
  • ika-15 hanggang ika-21 ng Agosto (334)
  • ika-22 hanggang ika-28 ng Agosto (288)
  • ika-29 hanggang ika-4 ng Setyembre (196)

"In a span of one month, we have managed to reduce the number of daily cases by 50%. This only shows that our efforts to control the spread of the virus are working," ani Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag.

Gayunpaman, may kaunting pagkakaiba sa DOH at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) data. 

Kung ang CESU kasi ang susundin, 205 COVID-19 cases lang kasi ang naitala sa lungsod mula ika-11 ng hanggang ika-17 ng Agosto. Bababa pa 'yan patungong 102 mula ika-8 hanggang ika-14 ng Setyembre.

Nalaman ding pababa nang pababa ang "reproduction number" (R0) ng Quezon City sa pagbulusok nito sa 0.79 noong nakaraang linggo — mas mababa sa R0 ng National Capital Region (NCR) at buong bansa.

Isinasalarawan ng R0 kung gaano karaming tao ang nahahawa kada infected patient. Kapag mas mababa sa 1.0 ang R0, ibig sabihin ay pababa na ito at nawawala. Oras na maging 1.0 ito, stable at nananatili ang isang sakit ngunit hindi na magkakaroon ng outbreak. 

Gayunpaman, lagpas isa katao ang pwedeng mahawaan ng COVID-19 kapag lumampas sa 1.0 ang R0.

"Ngunit hindi pa rin tayo dapat maging kampante. Tuluy-tuloy lang ang ating mga pag-iingat para tuluyan nang mapigil ang pagkalat ng virus, lalo na sa pampublikong lugar, mga tahanan at trabaho," patuloy ni Belmonte.

Sa huling ulat ng DOH, Martes, lumalabas na 291,789 na ang nahahawaan ng nakamamatay na virus. Sa kabila nito, 1,635 lang ang bagong pasyente na kinumpirma ngayong araw.

May kinalaman: Dinapuan ng COVID-19 sa bansa lumobo sa 291,789, patay 5,049 na

OCTA: Testing dapat pang paigtingin

Sa kabila ng pagkalma ng bilang infection sa Lungsod ng Quezon, pinayuhan naman ni Dr. Ranjit Rye ng OCTA Research na dapat pa nilang pahusayin ang COVID-19 testing para maibaba pa ang "positivity rate" sa 10%.

Tumutukoy ang positivity rate sa porsyento ng mga may COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng nate-test sa isang takdang lugar.

"As of now, the city has an 11% positivity rate. The more tests you conduct, the more we can go out of the uncertainty and the better for the city," wika ni Rye.

Bilang tugon, sinabi ni CESU head Dr. Rolly Cruz na isa ang QC sa may pinakaagresibong testing sa lahat ng local government units (LGUs), bagay na pumapatak mula 600 hanggang 800 kada araw.

Plano ng QC COVID-19 Task Force na maabot ang arawang testing sa 1,000. Sa ngayon, 500 araw-araw ang kayang gawin ng molecular laboratory ng lungsod.

Una nang ipinagmalaki ng Pilipinas ang "pinakamahusay sa buong Asya" pagdating sa COVID-19 testing. Ngayong araw, tinatayang 3.22 milyong katao na ang sumasailalim sa screening ng nasabing virus. — James Relativo

--

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

vuukle comment

JOY BELMONTE

NOVEL CORONAVIRUS

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with