^

Metro

209K drivers lamang ang nabigyang ayuda – LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
209K drivers lamang ang nabigyang ayuda � LTFRB
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra may 435,000 pangalan ng mga public utility drivers ang naisumite ng ahensiya sa gob­yerno para maalalayan ng ayuda pero hindi lahat sa mga ito ay nakakuha.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot lamang sa 209,000 drivers sa bansa mula sa 435,000 beneficiaries ng SAP ng pamahalaan ang nakakuha ng cash aid  sa gobyerno na apektado ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman  Martin Delgra may  435,000  pangalan ng mga public utility drivers ang naisumite  ng ahensiya sa gob­yerno para maalalayan ng ayuda pero hindi lahat sa mga ito ay nakakuha.

Anya, ito ay dahil napatunayan na may  209,000 drivers lamang ang   eligible para sa  cash aid  makaraang mabusisi ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“The initial list that we submitted way back in May was actually something like 435,000 be­neficiaries. The DSWD is supposed to cross-match it, and which they did. The latest count as of two weeks ago was that 209,000 na lang ‘yung nasa listahan that was cross-checked,”  pahayag ni Delgra.

Nilinaw ni Delgra na nabawasan ang listahan dahil sa posibleng duplication ng beneficiaries  na nakatala sa  DSWD .

Ayon sa DOTr  wala silang ibang ayuda na naibibigay sa transport sector dahil ang responsibilidad lamang nila ay ibigay ang listahan ng  beneficiaries sa  DSWD.

Una nang nagreklamo ang Pinagkaiang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na wala pa ni isang miyembro ng kanilang samahan ang nakakatanggap ng ayuda ng gobyerno kaya’t ang iba nilang driver ay namamalimos na sa kalsada dahil hindi pinapayagan ng LTFRB na makapasada ang lahat ng PUJ drivers dahil sa pandemic.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with