^

Metro

Pagbabayad ng bills sa Quezon City mas pinadali

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbabayad ng bills sa Quezon City mas pinadali
Inilunsad kahapon sa lungsod Quezon ang Gracia Telecoms Automated Payment Machine na magpapadali sa mga residen­te ng QC sa pagbabayad ng kanilang mga bills lalo na ngayong panahon ng pandemic. Kahapon itinurn over kay QC Mayor Joy Belmonte ni League of Municipality President at Narvacan Ilocos Sur Mayor Chavit Singson at Gracia Telecoms President CEO Charisse Singson ang automated payment machines para sa lungsod.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Mas magiging madali na ngayon ang pagbabayad ng mga taga- Quezon City sa kanilang mga bills ngayong panahon ng pandemic.

Ito ay makaraang magkatuwang  na ilunsad at iturn-over kay QC Mayor Joy Belmonte ni League of Municipality President at Narvacan Ilocos Sur Mayor Chavit Singson at Gracia Telecoms President at CEO Charisse Singson ang  Gracia Telecoms Automated Payment Machines (APM) para ilagay sa QC hall at sa mga piling barangay sa lungsod na may mataas na populasyon .

Ayon kay Mayor Belmonte , dahil sa naturang machine ay hindi na mahihirapan ang mga mamamayan ng lungsod na makipagtransaksyon para bayaran ang  mga bills dahil sa mga barangay ay makikita na rin ito ngayon.

“Ilalagay natin ang ilan nito sa QC hall para mas convenient ang pagbabayad ng mga bayarin at  ang iba naman ay ilalagay natin sa anim na distrito na may matataong lugar tulad sa mga palengke para higit na maging magaan para sa  mga taga- lungsod ang pagbabayad at wala itong service fee”, pahayag ni Belmonte.

Gagamitin din  ng QC government ang Gracia telecoms sa pagbabayad ng mga residente ng  kanilang buwis sa lokal na pamahalaan, amilyar at business tax sa QC sa mga susunod na mga araw.

Kaugnay nito , sinabi ni Mayor Singson na maging ang paglo- load sa cellphone ay puwede na sa makina at gayundin ang pagkuha ng ayuda sa QC government at maging ang loans ay maaari ring magamit ang makina sa mga darating na panahon.

Ayon kay Singson, kauna unahan ang QC sa lahat ng lungsod sa bansa na mayroong ganitong makina.

May inisyal na 9 na APM kiosk na ilalagay sa mga barangay at sa strategic areas sa QC hall complex.

 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with