Top 6 most wanted, timbog!
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaking itinuturing na Top 6 Most Wanted Person (MWP) sa station level dahil sa kasong robbery, sa Quezon City kamakalawa.
Kinilala ni QCPD Director, PBGen. Ronnie Montejo ang naaresto na si Jesslord Cabasag, 24, at residente ng Brgy. Sto. Niño, Quezon City.
Batay sa rekord, si Cabasag ay wanted sa kasong Robbery at itinuturing na Station Level Top 6 MWP ng Galas Police Station 11 (PS-11).
Lumilitaw na dakong alas-5:40 ng hapon nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng PS-11, District Special Operations Unit (DSOU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Camp Crame, ang suspek sa Bi-ak na Bato, Brgy. Sto. Niño matapos na makatanggap ng tip hinggil sa kinaroroonan nito.
Armado ang mga pulis ng warrant of arrest dahil sa kasong robbery nang arestuhin ang suspek na hindi na nakapalag pa.
Sa ngayon ay nakapiit na si Cabasag at walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa kanyang paglaya.
- Latest