‘ExpreSSS’ services, inilunsad sa ika-63rd anniversary ng SSS
MANILA, Philippines — Inilunsad ng Social Security System (SSS) ang higit pang pinalawak na online service ng ahensiya, ang ExpreSSS services sa pagdiriwang ng ika-63rd founding anniversary ng ahensiya na may temang “SSS@63: Responding to the Times through Express Services.”
Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na ang ExpreSSS services ay layong bigyan ang mga miyembro, employers, pensioners, beneficiaries at ang publiko ng mas simple, mabilis at mas kumbenienteng registration, pagpa-file ng benepisyo at pautang at iba pang transaksyon.
“ExpreSSS is a product of our continuous digital transformation efforts over the years, which is also aligned with the call of Finance Secretary and Social Security Commission Chairman Carlos Dominguez III to expand the use of digital technologies for the prompt delivery of our services,” pahayag ni Ignacio.
Anya ang initiative advances ng SSS’ ay batay sa itinatakda ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 at makakatulong na matiyak na makakapagbigay ng maayos na serbisyo ang SSS sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa halos isang buwang selebrasyon, ang SSS ay patuloy na magkakaroon ng information drive tungkol sa ExpreSSS services mula September 2 hanggang 30. May lingguhang uSSSap Tayo live episodes na naka stream sa SSS Facebook page gayundin ng webinars tatlong beses kada linggo. Ang registration links para sa webinars ay ilalagay sa SSS Facebook page.
- Latest