Oil price hike uli ngayong Martes
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng abiso ang kompanyang langis na magtataas sila ng presyo ng gasolina sa P0.60 kada litro, P0.10 sa diesel, habang walang paggalaw sa kerosene simula alas-6:00 ng umaga ngayong Martes.
Kabilang sa mga ito ang Shell, PTT Philippines; Phoenix Petroleum Philippines; Petro Gazz; Flying-V; at Seaoil.
Mauuna namang magpapatupad ng taas-presyo ng Chevron Philippines Inc.(Caltex) na alas 12:01 ng madaling araw ng Martes sa kanilang platinum at silver na P0.60 kada litro at P0.10 sa diesel.
Habang ang Cleanfuel naman ay alas- 4:01 ng hapon pa magpapatupad ng dagdag presyo na P0.60 sa gasoline at P0.10 sa diesel.
- Latest