^

Metro

Motorsiklong walang barrier, sinimulan nang hulihin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklong walang barrier, sinimulan nang hulihin
Kumalat kahapon ang mga tauhan ng PNP-HPG sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan pinahinto at tinikitan ang mga motorcycle riders na may angkas pero walang barrier.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Nagsimula nang mang­huli at magtiket kahapon ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) na mga may angkas na walang motorcycle barrier.

Kumalat kahapon ang mga tauhan ng PNP-HPG sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan pinahinto at tinikitan ang mga motorcycle riders na may angkas pero walang barrier.

Maging ang mga may angkas na napag-alaman na hindi naman nila asawa o partners ay tinikitan din.

Kahapon, ayon kay PNP-HPG director Brig. Gen. Eliseo Cruz ay si­nimulan na ang pagpapatupad sa direktiba ng pamahalaan sa motorcycle riders.

“Naka-ready na po ang ating mga tauhan upang hulihin ang mga magka-angkas sa motorsiklo na walang barriers,” pahayag ni Cruz sa isang interview.

Ipinaliwanag pa nito na kailangan naman ang mga gamit na barrier ay nakakasunod sa design na itinakda at inaprubahan ng mga awtoridad. Ang mga gumagamit ng karton ay hindi papayagan.

Kapag hindi maganda ang materyales na ginamit sa barrier ay ipagbabawal din natin ito,”dagdag pa ni Cruz.

vuukle comment

HPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with