^

Metro

2 barangay sa Caloocan, 1 linggo lockdown

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang barangay sa Caloocan City ang isinailalim sa isang linggong total lockdown simula kahapon bunsod ng pagtaas ng bilang  ng mga nagpositibo sa COVID- 19.

Ayon kay Caloocan City Mayor  Oscar Malapitan ang pagpapatupad ng lockdown sa Brgy. 95 at 97 at nagsimula noong Linggo ng gabi na matatapos sa Agosto 1.

“Napansin natin ang pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa dalawang barangay na ito sa nga nakalipas na ilang araw kaya’ agad na napagdesisyunan natin na isailalim na ang nga ito sa total lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng virus,” ani Mayor Oscar Malapitan.

Nabatid  na 20 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Brgy. 95, habang 13 naman sa Brgy. 97.

Tiniyak naman ni Malapitan na mamamahagi ng pagkain para sa lahat ng 2,900 residente ng Barangay 95 at 1,800 residente ng in Barangay 97.

Magsasagawa ng contact tracing ang Caloocan City Health Department sa panahon ng lockdown at magtatalaga rin ng mga pulis ang pamahalaang lungsod para dakpin ang mga lalabag sa quarantine.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with