^

Metro

Ex-cop tinodas sa rooftop

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating pulis ma­karaang barilin ng isang hindi pa na­kikilalang salarin habang nag-e­ehersisyo ang biktima sa rooftop ng kaniyang tinitirhang gusali sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Rolando Yulo, 49 Balingkit Street, Malate, Maynila. Nagtamo siya ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa ulat ng Malate Police Station 9, naganap ang pamamaril dakong alas-6:10 ng gabi sa rooftop ng limang palapag na gusali na kaniyang tinitirhan. 

Nag-eehersisyo umano ang biktima kasama ang ilang kalugar nang pumailanlang ang isang putok hanggang sa makitang nakabulagta na si Yulo at duguan.

Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay.

Blangko pa naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin at sa motibo sa krimen. Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung may “closed circuit television camera (CCTV)” sa gusali sa pag-asang may video footage na makakatulong na maresolba ang kaso.

 

vuukle comment

MALATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with