^

Metro

Brgy. chairman promotor ng tupada, inaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang barangay chairman na pasimuno ng ilegal na sabong o tupada sa kanyang nasasakupan sa Tondo, Maynila kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang inaresto na si Silvestre Dumagat Jr., chairman ng Barangay 125 Zone 10 sa Tondo. Lima pang kasabwat niya ang nadakip at nakilalang sina Wilfredo Marullano, Lito Siana, 50; Arnel King, 32; Daryl Ellorin, 30 at Daniel Custodio, 37.

Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang Raxabago Police Station sa kahabaan ng Simoun Street corner Patria bandang alas-12:30 ng tanghali noong Linggo kung saan nadakip sina Siana, King, Ellorin at Custodio at nakumpiska sa kanila ang dalawang manok na panabong at taya na aabot sa P500.

Muling nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya  dakong alas-4:30 ng hapon sa parehong lugar kung saan dito na nadakip si Dumagat at ang katiwala niyang si Marullano.  Nakumpiska sa kanila ang limang manok na tandang.

Sinabi ni Raxabago Police Station commander PLtCol Cristopher Navida na una silang nagsagawa ng operasyon laban sa tupada noong Abril 5 kung kailan pinakiusapan na niya ng personal ang barangay chairman na si Dumagat na ipatigil na ang ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan. Sa kabila ng pakiusap, nagpatuloy pa din ang tupada na nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng publiko.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with