^

Metro

KC Montero, higit pa 100 katao inaresto sa bar sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
KC Montero, higit pa 100 katao inaresto sa bar sa Makati
KC Montero
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ang mahigit sa 100 katao kabilang ang celebrity TV host na si KC Montero o Casey Wyatt Montero Miller dahil sa paglabag sa social distancing, sa isang bar sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kasama rin sa inaresto si Felix Maramba,  isa sa nagmamay-ari ng sinalakay na Skye Bar, sa 18th floor ng Ma1 Tower, no. 141 H.V. DEla Costa St., Brgy. Salcedo, Makati City.

Sa ulat, pinangunahan no P/Major Gideon Ines Jr., hepe ng dakong alas- 5:35 ng hapon ng Linggo matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa nagaganap na inuman at kasiyahan sa nabanggit na  bar na nalalabag ang social distancing.

Dinatnan at nakunan pa ng mga larawan at video ng mga operatiba ang mga kustomer na halos lahat ng mesa ay may alak at marami ang magkakatabi gayung umiiral pa sa Metro Manila ang General Community Quarantine (GCQ) at hindi pa maari ang operasyon dahil hindi naman itinuturing na ‘essential establishment’.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) ang mga inaresto.

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with