Pipe realignment ng Maynilad na daraanan ng MRT-7, sinimulan ulit
MANILA, Philippines — Sinimulan na ulit ng Maynilad Water Company ang pag-aayos ng tubo ng tubig sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na tinamaan ng pagtatayo ng MRT-7 sa Quezon City.
Natigil kamakailan ang pipe realingment nang ipairal ang quarantine lockdown sa lugar dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang realignment ay kapapalooban ng 600mm-diameter primary pipeline sa kahabaan ng northbound lane ng Commonwealth Avenue mula Fairlane St. hanggang Regalado St. sa Novaliches, Quezon City upang mapabilis ang pagtatapos sa itinatayong MRT Line 7 sa lugar.
Inaasahan na matatapos ang pipe realignment sa August 2020.
Sa ngayon, naisaayos na at napalitan na ng Maynilad ang may 85.42 kilometro ng pipelines bilang suporta sa vital government infrastructure projects tulad ng road upgrades at flood control projects ng Department of Public Works and Highways, Metro Manila Development Authority at ng local government units.
Ang MRT Line 7 ay may 22.8-kilometer train line , may 14 stations mula North Avenue sa QC papuntang San Jose del Monte sa Bulacan at vice versa.
- Latest