^

Metro

Call center agent timbog sa credit card modus

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Call center agent timbog sa credit card modus
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) ang suspek na kinilalang si Aldrich Nunez, residente ng Sta. Cruz, Maynila matapos pormal na ireklamo ng fraud officer ng isang bangko.
STAR/File

Bumili ng P1 milyong halaga ng gift checks

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 24-anyos call center agent nang madiskubre na hindi siya ang tunay na nagmamay-ari ng credit card sa pamimili ng gift checks na umabot sa halos P1-milyon, sa kilalang international membership supermarket sa Makati City, kamakalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) ang suspek na kinilalang si Aldrich Nunez, residente ng Sta. Cruz, Maynila matapos pormal na ireklamo ng fraud officer ng isang bangko.

Sa ulat ng Makati Police Station, dakong alas-4:28 ng hapon ng Hunyo 10, 2020 nang arestuhin  ng security guard na si Fernando Serrano Jr. ang suspek habang ang di pa kilalang dalawang kasamahan nito ay nakatakas sa isang supermarket sa Makati City.

Nabawi sa suspek ang 7 piraso ng gift cards na nagkakahalaga ng P390,000.00, bukod pa sa reklamo na nakabili din umano noong Martes (Hunyo 9, 2020) ng 12 gift cards ang suspek na may kabuuang P600,000.00 sa nasabi ding supermarket gamit ang credit card na hindi naman sa kanya.

Nabatid na naalerto na ang management sa fraud transaction ng suspect kaya ito naaresto.

vuukle comment

CREDIT CARD

FRAUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with