^

Metro

Lola patay, 200 bahay naabo sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lola patay, 200 bahay naabo sa sunog
Naabo ang nasa 200 kabahayan at isang 69-anyos na lola ang nasawi nang sumiklab ang malaking sunog sa Brgy. Mauway at Addition Hills sa Mandaluyong City kahapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Isang lola ang patay habang nasa 200 kabahayan ang natupok nang sumiklab ang malaking sunog sa Brgy. Mauway at Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi na nakilala lamang na si Mila Taon Carillo, 69, ay na-trap sa loob ng kanyang tahanan na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-2:59 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa Nueve de Febrero, Brgy. Mauway.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay na rin ang mga bahay sa may Correctional Road na sakop ng katabing Brgy. Addition Hills.

Dahil sa dikit-dikit ang mga bahay na karaniwan ay gawa sa mga light materials, mabilis na lumaki ang sunog. Nahirapan din ang mga bumbero na pasukin ang mga eskinita dahil na rin sa kitid ng mga ito.

Dakong alas-5:40 na ng madaling araw nang tulu­yang maapula ang apoy na sinisiyasat pa ang sanhi o pinagmulan.

Sa ulat ng BFP, 600 na pamilya ang nawalan ng tahanan. 

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with