^

Metro

151 arestado sa NOGO

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 151 foreign nationals ang binitbit ng mga operatiba nang salakayin ang ilegal na online ga­ming operations sa Brgy. Laging Handa, Quezon City, ka­makalawa ng gabi.

Kasalukuyan nang nasa kustodya ng pulisya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang mga naaresto at mga ebidensiyang gagamitin laban sa nagpapatakbo ng non-registered offshore gaming operators (NOGO) para sa kaukulang kaso.

Sa ulat na isinumite kay NCRPO chief, P/Major General Debold Sinas, ang ope­rasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng RSOG, Kamuning Police Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Matapos isagawa ang surveillance at monitoring, natukoy ang Pineda Buil­ding sa Scout Lascano, Brgy. Laging Handa, Quezon City at pinasok ito kung saan nadatnan ang aktibong operasyon ng online ga­ming dakong alas-8:30 ng gabi noong Martes.

Nasa 133 ang lalaki at 18 ang babae na pawang mga banyaga na nagtatrabaho sa NOGO at sinamsam ang gamit nilang 2,012 cellphones; 149 pirasong computer monitor; 90 computer mouse; 72 computer keyboards; 49 flash drives; 34 na CPU; 19 laptop; 2 printer; isang apple ipad; 20 extension wires; 3 kahon ng cable wires; 2 passport; isang bag na naglalaman ng iba’t ibang identification cards; 15 uninterrupted power supplies; 116 foreign currencies; P213,880.00 cash.10 router modems; isang kahon ng ‘one time password’.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with