^

Metro

Magsuot ng face masks, kahit pa sa GCQ-QC government

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Quezon City government  na ang pagsusuot ng face masks sa pampublikong lugar ay mandatory pa rin kahit pa nga mag-shift na ang Metro Manila sa general community quarantine simula sa Lunes.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, inatasan na niya ang law enforcement personnel at iba pang local government officials na mahigpit na ipatupad sa mga residente ang pagsusuot ng face masks para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Isa ang face mask sa epektibong panlaban sa virus kaya kailangan nating mapalakas ang kampanya sa mga  residente na masanay na ang pagsusuot nito sa mga pampublikong lugar”, dagdag pa ni Mayor Joy.

Binigyang diin ni Belmonte na susundin ang mga alituntunin ng  IATF sa “no need quarantine pass” sa GCQ areas.

Gayunman, niliwanag nito na higit na pagbabantay ang gagawin  ng lokal na pamahalaan sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at special concern lockdown dahilan sa mayroon pa ring mga kaso ng COVID-19 sa lugar.

Ayon sa mga pagsusuri, ang pagsusuot ng mask ang isang may malaking tulong para makaiwas sa virus.

Una nang inihayag ng Malakanyang na mula sa June 1 ay ipaiiral na ang GCQ sa Metro Manila.

vuukle comment

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with