^

Metro

12 quarantine facilities, target ng Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ni Manila City Mayor  Isko Moreno na makapagtayo ng 12 quarantine facilities para maihiwalay sa publiko ang mga positibo at maging mga suspected at probable sa coronavirus disease (COVID-19).

Kasalukuyang may apat na quarantine facilities na sa Maynila kabilang ang  Delpan Quarantine Facility, Araullo High School, Tondo High School, at T. Paez Elementary School.

Walo pa ang target na madagdag dito na hinahanapan na ng mapaglalagyan ng lokal na pamahalaan.

“As of today, more or less about 170, 180 (ang bed capacity). After today, 200 plus ang (bed capacity ng) quarantine facilities,” ani Domagoso na nagpasinaya kahapon sa pagbubukas ng quarantine facility sa Araullo High School.

Ang mga pasilidad ay ginagamit para sa mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19 at mga naghihintay ng iskedyul para sa resulta ng kanilang swab tests.

“Kailangan na muna nating mailayo sila sa kanilang pamilya and within their community area at mailayo rin sa kapamahakan for that time,” paliwanag ng alkalde.

Nitong May 27, may kabuuan nang 9,763 swab tests at 58,269 rapid tests ang naisagawa ng Manila Health Department.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with