^

Metro

Quezon City tapos na sa unang tranche ng SAP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Quezon City tapos na sa unang tranche ng SAP
Mayo 20 nang makumpleto ng lunsod ang distribusyon ng ayuda, na mas una kum­para sa apat pang lungsod sa Metro Manila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines  — Natapos na ng Quezon City ang pamamahagi sa kanilang mga residente ng unang tranche ng cash aid mula sa Special Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mayo 20 nang makumpleto ng lunsod ang distribusyon ng ayuda, na mas una kum­para sa apat pang lungsod sa Metro Manila.

Nabatid na ang distribus­yon ng SAP sa Taguig ay nasa 99.39%  habang sa Makati ay 84.82% nang nakumpleto.

Ang mga lungsod naman ng Marikina at Caloocan ay nakapagsumite pa lamang kanilang partial liquidation report.

Sinasabi ng pamahalaang-lokal ng Quezon City na nakumpleto na nila ang SAP payout para sa 377,584 kuwalipikadong households.

Ang Quezon City ang may pinakamalaking natanggap na SAP na umabot sa kabuuang P3.020 bilyon, kasunod ang Maynila na nakatanggap naman ng wala pa sa kalahati nito o P1.485 bilyon lamang.

Kaugnay nito, inianunsiyo rin naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang lokal na pamahalaan ay mamimigay pa ng P4,000 financial assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ngunit hindi naman nabigyan ng DSWD SAP.

vuukle comment

DSWD

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with