^

Metro

Stranded na seafarers nanawagan sa mas mabilis na proseso ng COVID tests

Pilipino Star Ngayon

Nanawagan ngayon sa pamahalaan ang mga seafarers na kasalukuyang istranded sa mga barkong nakadaong sa Manila Bay na pabilisin ang proseso ng pagpapalabas ng resulta ng kanilang COVID-19 swab tests upang makauwi na sila at makapiling ang mga mahal sa buhay.

Direktang nagsumbong sa Pilipino Star Ngayon ang isang seaman na humiling magpatago sa alyas na Juan ukol sa bagal ng proseso ng pagpapalabas ng kanilang certificate na negatibo sila sa COVID na tila sinasadya umano.

“Isang buwan na kami  dito sa Manila Bay. Pwede  na dapat kami bumaba lahat ng mga negative sa result.  Ang kaso eh hindi pa nire-release ang lahat ng certificate,” ayon kay Juan.

Nasa 300 umano silang Pinoy seafarer na nakasakay ngayon sa isang barko na nakadaong sa Manila Bay. Dumating sila buhat sa Australia nitong Abril 12 at agad na isinailalim sa 14-day quarantine ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ngunit higit isang buwan  na sila sa barko ay hindi pa  sila pinabababa. Sinabi umano sa kanila ng kanilang agency na negatibo ang kanilang mga COVID test results ngunit hindi pa ibinibigay sa kanilang ang kanilang certificate.

Nitong Mayo 14, nasa 77 lamang sa kanila ang pinababa at nitong Mayo 18 ay 73 lamang.

Nabatid na tanging mga OFWs na may certificate na negatibo sa COVID lamang ang tinatanggap ng mga lokal na pamahalaan para makabalik sa kanilang mga tahanan at pamilya.

Nitong Martes, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinagpapa­liwanag na sa mga reklamo ng mga OFWs ang OWWA at hinihingan na sila ng imbentaryo ng mga OFWs na naka-quarantine.

vuukle comment

MANILA BAY

OWWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with