^

Metro

Chinese, huli sa ban na luncheon meat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chinese, huli sa ban na luncheon meat
Kinilala ang inaresto na si Shuangtin Lin, 43, negosyante, One Wilson Place, Wilson Street, San Juan City.
Pixabay

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ang isang Chinese national nang masabat sa kaniya ang nasa 30 kahon ng dalawang brand ng luncheon meat na ipinagbabawal ipasok sa bansa dahil sa swine flu, kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang inaresto na si Shuangtin Lin, 43, negosyante, One Wilson Place, Wilson Street, San Juan City.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang magkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng MPD-Smart at District Intelligence Division sa kanto ng Reina Regente at Alvarado Streets sa Binondo.  Ito ay makaraang makatanggap ng impormasyon sa pagbebenta ng mga Chinese national ng mga de-latang karne na pansamantalang ipinagbabawal dahil sa African Swine Fever (ASF).

Nang magpositibo sa test buy, ipinatupad na ng mga pulis ang pagdakip kay Shuangtin. Nakumpiska sa kaniya ang 20 kahon na may 48 piraso ng Ma Ling brand at 10 kahon na may 48 piraso ng Ma Ling brand na pork luncheon meat, isang puting Honda CRV, isang iPhone at dalawang P1,000 marked money.

Nabatid na may umiiral na pansamantalang ban sa importasyon, distribusyon at pagbebenta ng mga prinosesong produktong karne buhat sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF) mula noong Agosto 2018.  Kabilang sa mga brand na ipinagbabawal ang Ma Ling.

vuukle comment

SMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with