^

Metro

QCPD headquarters ni-lockdown

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

14 pulis positibo sa COVID

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na naka-lockdown sa loob ng 3 araw ang Quezon City Police District (QCPD) headquarters sa Camp Karingal, Quezon City dahil sa pag-positibo ng 14 na tauhan nito sa COVID-19 sa isinagawang target group testing noong Abril 25-29, 2020.

Mula sa 1,563 populasyon sa loob ng Camp Karingal kabilang ang Regional Support Units, 219 lang ang sumalang sa target group testing at 115 dito ang nai-release na ang resulta kabilang ang 14 na positibo habang hinihintay pa ang 104 tests results.

Ang mga nagpositibo ay dating na-deploy sa Enhanced  Quarantine Control Points.

Ang camp-wide lockdown ay nagsimula alas-5:00 ng hapon nitong Sabado (Mayo 9) at magtatapos sa alas -5:00 ng Martes (Mayo 12) para bigyang daan ang intensive contact tra­cing sa 13 nagpositibo na inilipat na sa NCRPO Special Care Facility; makapagsagawa ng evaluation at monitoring sa mga nakasalamuha nila o direct contact na ipadadala rin sa SCF para sa isolation.

Magsasagawa rin ng agarang decontamination sa buong pasilidad ng Camp karingal at pagpapatupad ng preventive measures para hindi na mahawa pa ang iba pang personnel.

Samantala, ang district director naman na si P/Brig. General Ronnie Montejo ay pansamantalang nag-oopisina sa Kamuning Police Station 10, ng QCPD.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with