^

Metro

SMC bibili ng P4 milyong surplus corn sa DA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makikipagtambalan ang San Miguel Corporation (SMC) sa Department of Agriculture (DA) sa pagbili ng mga produktong agrikultura, kabilang  ang apat na milyong surplus corn, para matulungan ang mga magsasaka at mapanatili ang food supply ng bansa sa gitna ng laban sa COVID-19.

Ang surplus corn ay sapat na para sa feeds ng higit sa pitong milyong manok na maaaring maipakain sa apat na milyong pamilya sa isang araw.

Nakikipag-usap din ang SMC sa DA sa paggamit ng mga strategic Petron stations sa buong bansa bilang outlets para sa “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling store program ng pamahalaan.

Dahil dito ay mapapadali ang pagbili ng mga consu­mers ng mga sariwang prutas at gulay.

Ang nasabing programa ay ang market system project ng DA na siyang maglalapit sa mga local farmers sa mga consumers para matiyak na mabebenta ang kanilang agricultural produce sa tamang halaga.

“Through this program with the Agricultural department, we will be able to keep our farmers afloat as we navigate these uncertain times,”wika ni SMC president and COO Ramon S. Ang. “At the same time, we also help people stay safe, healthy and nourished by providing them a convenient way to buy fresh fruits and vegetables from our local farmers,” dagdag pa nito.

Ayon sa SMC, bibilhin nila ang mga produkto sa pre-agreed prices at volume bilang bahagi ng isang long-term partnership.

Muling nanawagan ang SMC sa mga magsasaka sa buong bansa na bigyan sila ng supply ng mga rice, corn, cassava, sweet potato, coconut oil at iba pang farm products na kanilang bibilhin sa tamang presyo para sa kapakanan ng mga magsasaka.

vuukle comment

COVID-19

DA

SMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with