^

Metro

Mayor Vico, tutol sa pag-alis kaagad sa ECQ sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, tutol sa pag-alis kaagad sa ECQ sa Pasig
Nagpahayag pa ng paniniwala si Sotto na masyado pang premature na alisin ang ECQ dahil posible aniyang masayang at mabalewala lamang ang sakripisyong isinagawa ng pamahalaan at ng mga mamamayan para dito.
Michael Varcas/ File

PASIG, Philippines — Tutol si Mayor Vico Sotto na alisin na kaagad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Pasig City dahil sa patuloy pa rin aniya ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nagpahayag pa ng paniniwala si Sotto na masyado pang premature na alisin ang ECQ dahil posible aniyang masayang at mabalewala lamang ang sakripisyong isinagawa ng pamahalaan at ng mga mamamayan para dito.

“Here in Pasig, it might be a little bit premature to lift the enhanced community quarantine. Parang sayang,” ayon kay Sotto.

“If we lift it now when there are still a high number of cases and an increasing number of cases every day, then why did we have to do it, why did we have that quarantine in the first place?”, paliwanag pa niya.

Gayunman, ipinauubaya ng alkalde sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng national government kung palalawigin pa o hindi ang ECQ.

Sa ngayon aniya ay plano na nila sa Pasig City government  na bumuo ng local economic stimulus package para siguruhing mababawasan ang matinding impact ng ECQ sa lungsod.

vuukle comment

PASIG CITY

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with