^

Metro

P5k multa,1 linggong kulong sa hindi magsusuot ng face mask

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P5k multa,1 linggong kulong sa hindi magsusuot ng face mask
Ginawa ng Mandaluyong City ang hakbang kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa laban sa sakit na novel coronavirus 2019 o CO­VID-19.
Walter Bollozos/ File

Sa Mandaluyong City

MANILA, Philippines  — Pagmumultahin ng P5,000 at ikukulong nang isang linggo ng pamahalaang lokal ng Mandaluyong City ang mga taong hindi magsusuot ng face mask sa oras na sila ay lumabas ng tahanan sa lunsod na ito.

Ginawa ng Mandaluyong City ang hakbang kaugnay ng  ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa laban sa sakit na novel coronavirus 2019 o CO­VID-19.

Ito ay batay sa Ordinance No. 767, series of 2020 o ang Mandatory Wearing of Face Masks Ordinance at Ordinance No. 766, series of 2020, o ang Anti-Discri­mination due to COVID-19, na ipinasa ng Mandaluyong City Council.

Alinsunod sa Ordinance No. 767, mahigpit na ipinagbabawal ng city government ang paglabas ng bahay nang walang face mask na batay na rin sa kautusan ng national government.

Maaari naman umanong gumamit ang mga residente ng medical masks gaya ng surgical o N95 masks at iba pa; o ‘di kaya industrial mask; earloop mask; indigenous; reusable o do-it yourself mask; cloth mask; improvised mask; at face shields.

Pinapayagan rin naman ang paggamit ng bandana at panyo basta’t siguruhin lamang na natatakpan nito ang ilong at bibig.

Nakasaad sa ordinansa na sinumang lalabag sa natu­rang ordinansa ay mahaharap sa multang P5,000 o di kaya’y pagkabilanggo nang isang linggo o kaya’y parehong pagmulta at pagkakulong.

“Iwasan ang pagkalat ng COVID-19...Mag-FACE MASK sa pampublikong lugar sa lahat ng oras!” paalala pa ng Mandaluyong City Govern­ment na pinamumunuan ni Mayor Menchie Abalos.

Samantala, alinsunod naman sa Ordinance No. 766, maaari ring pagmultahin ng mula P3,000 hanggang P5,000, o mabilanggo ng hindi lalampas ng hanggang anim na buwan ang sinumang mapapatunayang mangdi-diskrimina, mangha-harass, at magdudulot ng karahasan laban sa mga taong kumpirmadong dinapuan ng COVID-19 at maging sa mga health wor­kers at frontliners ng lungsod.

Sakop rin ng ordinansa yaong mga taong nakarekober na mula sa naturang sakit, mga itinuturing na persons under investigation (PUIs), persons under monitoring (PUMs) at maging yaong mga taong kinakailangang lumabas ng tahanan at mag-report sa kanilang trabaho kahit pa umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Nauna rito, ilang CO­VID-19 patients at mga health workers ang nakakaranas ng diskriminasyon at pagmamalupit mula sa kanilang mga kapitbahay at maging kanilang mga kaanak.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with