^

Metro

Vico, Koko iba pa pagpapaliwanagin lang-NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vico, Koko iba pa pagpapaliwanagin lang-NBI
Bukod kay Sotto at Pimentel, ipatatawag din ng NBI sina Barangay Chairman Emiliano Ramos ng Barangay Talon Uno, Las Piñas City at Barangay Chairman Rodolfo Palma ng Barangay Pag-Asa, Quezon City para sa mga posibleng paglabag sa R.A.11469.
Michael Varcas/ File

MANILA, Philippines  — Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na pagpapaliwanagin lang nila sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Senador Koko Pimentel at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ukol sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine at R.A. 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act.

“This is about the implementation of ECQ and the role of local government officials to comply with the guidelines of IATF-IED (Inter-Agency Task Force-Infectious Emerging Diseases)”, ayon kay NBI OIC Director Eric Distor.

“Kapag naipaliwanag na po, we will not insist na po,” pagliliwanag ni Distor.

Nilinaw ni Distor na hindi nila maipadala pa ang liham nila kay Pimentel dahil sa nagpapagamot pa ito makaraang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Ipadadala nila ang sulat matapos ang pagkaka-ospital ng Senador.

Bukod kay Sotto at Pimentel, ipatatawag din ng NBI sina Barangay Chairman Emiliano Ramos ng Barangay Talon Uno, Las Piñas City at Barangay Chairman Rodolfo Palma ng Barangay Pag-Asa, Quezon City para sa mga posibleng paglabag sa R.A.11469.

Si Palma ang chairman na nakakasakop sa mga residente ng Barangay Pag-Asa na susugod umano sa Pamahalaang Lungsod para igiit ang pamamahagi ng pagkain ngunit binuwag ang kanilang hanay ng mga pulis at inaresto ang nasa 20 katao.

Sinasabi na pinangunahan ng mga miyembro ng Kadamay ang grupo ng mga mahihirap na residente.

Pinadalhan din ng imbitas­yon ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Masbate at Cebu City.

Binigyan ang mga opisyal ng hanggang Abril 7, 2020 para magpadala ng kanilang liham paliwanag na tugon sa akusasyon sa kanila.

Related video:

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with