^

Metro

Navotas Training Center pansamantalang tutuluyan ng mga frontliners

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na dapat mangamba ang mga frontliners sa Navotas City sa kanilang tutuluyan matapos na magdesisyon ang city government na ipagamit ang Navotas Institute Annex II sa Brgy. Daang Hari.

Ito naman ang binigyan diin ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay sa patuloy na pagseserbisyo ng mga  doktor, nurse at staff ng Navotas City Hospital na nakatira sa labas ng Navotas.

Ang kuwartong nakatalaga para sa mga doctor ay may limang queen-sized bed, samantalang ang quarter para sa mga nurse at hospital administrative staff ay may mga spa bed at inflatable bed.

Maliit na bagay lamang ang pagbibigay ng  access at komportableng  matutuluyan sa mga frontliners na patuloy na tinataya  ang kanilang buhay sa paglilingkod sa mga Navoteño laban sa Corona Virus Disease 2019.

Ayon kay Tiangco,  hindi naman  siya magsasawang paalalahanan ang mga residente na patuloy naman sa pagsuway sa mga kautusan.

Sa ngayon, mayroong 119 mga persons under monitoring (PUMs) at 26 mga persons under investigation (PUI) na sumasailalim sa quarantine o naka-admit sa Navotas City Hospital.

Sa limang PUI na namatay, isa ang positive, isa ang negative at tatlo ang naghihintay pa ng test results mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

vuukle comment

NAVOTAS TRAINING CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with