^

Metro

Kaso ng COVID sa Quezon City 62 na, 13 bagong kaso nadagdag

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID sa Quezon City 62 na, 13 bagong kaso nadagdag
Ang mga bagong kaso ay nagmula sa district 1-Brgy. Bagong Pag-Asa-1, District 3-Brgy. San Roque-2, Brgy. Matandang Balara-1 at sa District 4-Brgy. Immaculate Concepcion-1, Brgy. Kristong Hari-1, Brgy. Pinyahan-1 at Brgy. South triangle -2, District 5- Brgy. Kaligayahan-1, Brgy. Fairview-1 at sa District 6 Brgy. Pasong Tamo-2 kaso.
Boy Santos/ File

QUEZON CITY , Philippines  — Umaabot na kahapon sa 62 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City makaraang makapagtala ng 13 bagong kaso sa lungsod.

Ang mga bagong kaso ay nagmula sa district 1-Brgy. Bagong Pag-Asa-1, District 3-Brgy. San Roque-2, Brgy. Matandang Balara-1 at sa District 4-Brgy. Immaculate Concepcion-1, Brgy. Kristong Hari-1, Brgy.  Pinyahan-1 at Brgy.  South triangle -2, District 5- Brgy. Kaligayahan-1, Brgy. Fairview-1 at sa District 6  Brgy. Pasong Tamo-2 kaso.

Ayon sa QC health department, may 6 na katao na ang gumaling at 6 naman ang nasawi.

Patuloy namang ipinatutupad ang Extreme Enhance Community Quarantine (Red Zone) sa Brgys. Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, San Isrido Labrador,Tatalon, Damayang Lagi, Batasan Hills, Masagana, Bagong Silangan, Pasong Tamo at Central.

Walang positibo sa COVID-19 sa Brgyt. Central pero isinama siya sa Extreme Enhance Community Quarantine dahil sa mga hospital na naririto na gumagamot ng mga pasyenteng may COVID- 19.

Hindi naman naisama sa isinailalim sa red zone ang Brgy. Old Balara dahil isa lamang ang aktibong kaso dito, isa na ang namatay dito at isa ang gumaling mula sa barangay na ito.

Ang Brgy. Bagong Lipunan ng Crame na may 3 positibo sa Covid 19 ay hindi isinama sa red Zone dahil  ang mga pasyente ay mula lamang sa iisang bahay.

Mayroon ng 287,000 food packs ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga taga -lungsod .

Patuloy naman na nagkakaloob ang QC government ng Libreng Sakay sa health workers at frontliners na kapapalooban ng 4 na bus mula alas -5:30 ng umaga at als-7:30 ng umaga at alas 5:30 ng hapon.

Mayroon isang dormitory at 5 hotels  ang nailaan ng QC government para sa mga health workers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with