^

Metro

2 Nigerian timbog sa modus ng face masks

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Nigerian na ‘scammer’ ang ipinaaresto ni Manila Mayor Isko Moreno gamit ang modus sa pagbebenta ng face masks .

Agad na nadakip  ng  Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT)sa pangunguna ng hepe na si P/Major Rosalino Ibay Jr., ang mga suspek na sina Iringe Koko na may mga alyas Dagogo Julius  at  Julius Roro, 23 ng  Sucat, Para­ñaque City at Kachia Chia Aondo Wase, 20, estudyante ng Bacoor, Cavite.

Nabatid na dumulog kay Moreno ang 19-anyos na estudyante at  negosyanteng si Audrey Cassandra, residente ng Ermita, Maynila matapos maloko  ng mga suspek ng P975,000  cash  na walang kapalit na surgical face masks .

Inorder niya sa ­online ng mga suspek ang facemasks at nabayaran na ngunit nang makabayad siya ay hindi na makontak ang mga suspek.

Marso 10, 2020 nang salakayin ng SMaRT ang tinutuluyan ng suspek na si Koko, kung saan nasamsam din sa kanya ang 21 self- sealed plastic ng pinatuyong marijuana, 10 sticks ng marijuana at green ecobag na naglalaman ng mga tangkay ng marijuana, na nagkakahalaga P22,000.00, credit card  at isang  Alien Certification of Registration (ACR) Card ni Koko.

Nanawagan din siya sa publiko na ireport sa Manila City Hall ang anumang katulad na panloloko na gina­gamit pa ang krisis ngayon sa coronavirus (COVID-19) at pangangailangan ng marami ng face masks.

vuukle comment

AUDREY CASSANDRA

SMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with