^

Metro

Dalawang dayuhan, isang Pinay timbog sa P4 milyong shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ang isang Nigerian, isang  Cameroonian at isang Pinay sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office-National Capital Region (RO-NCR)  at nasamsam sa kanila ang tinatayang P4-milyong halaga ng shabu kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, kinilala ni Director III Joel B Plaza, Regional Director ng PDEA RO-NCR ang mga naarestong sina Ifeanyi Augustine Chinwueba, Nigerian, 30-anyos;  Antoine Negou Fotie, Cameroonian, 40; at Jeneth Fotie y Morcilla, Filipino, 24, na pawang residente ng Mabalacat, Pampanga.

Nagsanib puwersa ang PDEA RO-NCR Regional Special Enforcement Team (RSET) at PDEA RO-3 sa iki­na­sang buy-bust laban sa mga suspek. Dakong alas-10:00 ng gabi ng Martes (Marso 10) nang magkasundo at magkita ang poseur-buyer at mga suspek sa isang gasoline station sa EDSA, northbound na  sakop Barangay Forbes Park, Makati City at doon nagpalitan ng item at marked money.

Nakumpiska ang limang pirasong transparent plastic packs na naglalaman ng pinaniniwalaang methamphe-tamine hydrochloride na tumi-timbang ng  mahigit kalahating kilo o 600 gramo na may street value na 4,080,000.00.

vuukle comment

JOEL B PLAZA

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with